DOMINO =)
Ni rG. de Leon-
(Unang ipinost sa Guia Writer; Para sa mag-asawang M)
Ang mundo ay kuwadrado.
Mga bloke ng domino.
Nakapila. Parang tao.
Kaya pag may gagong
Nakipagtalo sa bobo
At nanggulo sa may kanto.
Naadik sa kanyang trono.
Gumawa ng iskandalo.
Gumaya sa pulitiko.
Umayon sa panloloko.
Lumapastangan sa aso
O nang-asar lang ng psycho…
Tiyak, matatarantado
Ang mundong parang domino.
Binuo para gumuho…